METRO MANILA, Philippines — Tinanggál na bilang miyembro ng yNationalist People’s Coalition (NPC) si Alice Guo, and suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac.
Ang desisyón ay ipinaratíng ni NPC Chairman Vicente “Tito” Sotto III kay Tarlac Gov. Susan Yap, na naghain ng petisyón para maalís sa partido si Guo.
Inatasan si NPC Secretary General Mark Llandro Mendoza na iparatíng kay Guo ang desisyón ng partido.
BASAHIN: Bamban Mayor Alice Guo inapilá ang kanyáng suspensyón
BASAHIN: Alice Guo pumalág kay Gatchalian ukol sa mga bagong dokumento
Kasalukuyang suspindido si Guo base sa kautusán ng Office of the Ombudsman dahil sa pagpayag niyáng magbukás ang ilegál na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa kanyáng bayan. Nahaharáp din siyá sa kasong human trafficking.
Nadiskubre Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ilegál na POGO hub sa Bamban noóng Marso.