Taas-presyo sa Hunyo 25: P1.75 sa krudo, P1.40 as gasolina

PHOTO: Fuel pumps
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippnes — Magpapatupád ng bigtime price hike ang mga kompanyá ng langís bukas, ika-25 ng Hunyo.

Base sa mga anunsyo ng Pilipinas Shell, Cleanfuel, at Seaoil, P1.75 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng krudo, P1.40 naman sa gasolina, at P1.05 sa gaás.

Inaasahan na mag-aanunsiyo ang ibá pang mga kompanyá ng langís.

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

Itinuturong mga dahilán ng panibagong paggaláw sa mga presyo ang pagtaás sa pangangailangan ng langis, extreme weather, at digmaan sa Europa at Gitnang Silangan.

Noóng nakaraáng linggó, nadagdagán na ng P1.75, P1.90, at 85 sentimo ang presyo ng kada litro ng krudo, gaás, at gasolina.

Read more...