Bamban Mayor Alice Guo inapilá ang kanyáng suspensyón
METRO MANILA, Philippines — Hinilíng ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac sa Office of the Ombudsman na bawiin ang preventive suspension order sa kanyá dahil sa nadiskubreng ilegál na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa kanyáng bayan.
Inihain ng mga abogado ni Guo, sa pangunguna ni Stephen David, ang mosyón nitóng Huwebes ng umaga.
Sinabi ni David na sa kanilang paniniwalà ay mahinà ang ebidensya na pinagbasihán ng suspensyón, na tatagal ng anim na buwán.
BASAHIN: Mayor Alice Guo itinanggíng sangkót sa money laundering ang amá
BASAHIN: Mga magulang ni Mayor Alice Guo walá na raw sa Pilipinas
Ipinaliwanag ng abogado na binigyán ng mayor’s permit ni Guo ang Zun Yuan Technology dahil kumpleto namán ang mga dokumento at itó namán ay kabilang sa responsibilidád ng isáng alkalde.
Kasama pa aniya sa mga dokumento ang permit mulâ sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na nakuha ng naturang kumpanyá.
Pinahiwatíg pa ni David na may mga opsyón pa siláng legál kung sakaling hindí paborán ang kaniláng mosyón.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.