Alice Guo pumalág kay Gatchalian ukol sa mga bagong dokumento

By Jan Escosio June 19, 2024 - 03:41 PM

PHOTO: Alice Guo
Bamban Mayor Alice Guo —Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros

METRO MANILA, Philippines — Pinalagán ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, ang panibagong pagpapalabás ni Sen. Sherwin Gatchalian ng mga dokumento ukol sa kanyá.

Kasabáy nitá ang kanyáng hamon sa senadór na patunayan ang nilalamán ng mga karagdagang dokumento na mulâ sa Board of Investments (BOI) at Bureau of Immigration (BI).

Hinamon din niyá si Gatchalian na patunayan ang mga alegasyón ukol sa kanyáng iná.

BASAHIN: Mayor Alice Guo itinanggíng sangkót sa money laundering ang amá

BASAHIN: Mga magulang ni Mayor Alice Guo walá na raw sa Pilipinas

Iginiít ni Guo na si Amelia Leal ang kanyáng tunay na ina at Alice Leal Guo ang kanyang tunay na pangalan at hindi Guo Hua Pung, na sinasabi ni Gatchalian.

Idinagdág pa niyá na ang tanging hawak niyá ay Philippine passport, bukód sa legál na mga negosyo at ari-arian sa bansâ.

Ikinatwiran pa ni Guo na nanalo siyá noong 2022 elections, patunay na lehitimo siyang residente ng Bamban, at aniya may mga probisyón ang Saligang Batás at iba pang mga batás para ibase ang nationality sa “jus sanguinis.”

Tiwala siyá na sa dakong hulí ay papanig sa kanyá ang hustisya at haharáp siyá sa mga pagdiníg hanggáng paglilitis para mapatunayan na siyá ay tunay na Filipino.

TAGS: Alice Guo, Philippine offshore gaming operator, Sherwin Gatchalian, Alice Guo, Philippine offshore gaming operator, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.