Bamban Mayor Alice Guo sinuspindí ng Office of the Ombudsman

By Jan Escosio June 03, 2024 - 08:11 PM

PHOTO: Alice Guo STORY: Bamban Mayor Alice Guo sinuspindí ng Office of the Ombudsman
Bamban Mayor Alice Guo (Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros)

METRO MANILA, Philippines — Sinuspindí ng Office of the Ombudsman si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, base sa reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inaprubahán noóng ika-31 ng Mayo ni Ombudsman Samuel Martires ang hilíng ng DILG na patawan ng preventive suspension si Guo, gayundín siná Edwin Ocampo, ang hepe ng Business Permit and Licensing Office ng Bamban, at si Adenn Sigua, ang  municipal legal officer.

Inireklamo silá ng DILG ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

BASAHIN: Mga magulang ni Mayor Alice Guo walá na raw sa Pilipinas

BASAHIN: Waláng lusót ang Bamban mayor sa isyu ng POGO – Gatchalian

Epektibo ang suspensyón hanggang hindí natatapos ang pag-iimbestigá ng mga isyu laban kay Guo, ngunit hindí itó dapat lumagpás ng anim na buwán.

Ibinase ang mga reklamo sa pagpayag ng pamahalaáng bayan na makapag-operate ang isang Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban.

Sinalakay noóng Marso ang POGO hub at nadiskubré ang mga sinasabing ilegal na mga aktibidád.

TAGS: Alice Guo, Office of the Ombudsman, Alice Guo, Office of the Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.