Huling namataan ang mata ng bagyo ganap na alas-kwatro ng madaling-araw sa layong 400 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar o 470 kilometro Silangan ng Juban, Sorsogon.…
Sabi ng weather bureau lalapit ito sa Silangang Bahagi ng Southern Luzon at Visayas pero may posibilidad din na magbago pa ito.…
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65kms bawat oras at bugso na aabot sa 80kms kada oras.…
Magiging mabagal ang pagkilos ng nasabing sama ng panahon at inaasahang sa susunod na linggo pa papasok sa PAR.…
Asahan na ayon sa weather bureau ang mga pag-ulan simula ngayong araw sa Silangan ng Mindanao partikular sa Caraga Region, Davao Region, Socsargen at bahagi ng Bangsamoro Region dahil sa outer portion ng LPA.…