Bagyong Bising bahagyang bumagal; lakas napanatili sa 215 kph

By Erwin Aguilon April 18, 2021 - 07:34 AM

 

Bahagyang bumagal at napanatili ang lakas ng Bagyong Bising habang nananatili sa Philippine Sea, Silangan ng Northern Samar.

Ayon sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo ganap na alas-kwatro ng madaling-araw sa layong 400 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar o 470 kilometro Silangan ng Juban, Sorsogon.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugso na aabot sa 265 kilometro bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar :

Luzon

Eastern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands

Visayas

Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands

Mindanao

Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands, Northern portion ng Surigao del Sur (Cagwait, Tago, Bayabas, Tandag City, Lanuza, Cortes, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal)

Bukas ng umaga, inaasahang nasa layong 295 kms Silangan ng Virac, Catanduanes ang bagyong Bising.

Inaasahan naman na nasa layong 360 kms Northeast ng Virac, Catanduanes o 575 kms Silangan ng Baler, Aurora ang bagyo sa Martes ng umaga.

Sa Miyerkules ng umaga, inaasahan ito na nasa layong 510 kms Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at Huwebes naman ay nasa layong 510 kms Silangan ng Calayan, Cagayan.

Tinataya naman na nasa layong 725 kms Silangan ng Basco, Batanes ang bagyo sa araw ng Biyernes.

 

TAGS: Bagyo, BisingPH, weather update, Bagyo, BisingPH, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.