Low Pressure Area sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA

By Erwin Aguilon April 11, 2021 - 06:48 AM

DOST PAGASA Facebook photo

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa 4am update ng PAGASA, ito ay huling namataan sa layong 1, 960 kms Silangan ng Mindanao.

Malawak ang extension ng LPA na nakakaapekto sa mga nabanggit na lugar.

Magiging mabagal ang pagkilos ng nasabing sama ng panahon at inaasahang sa susunod na linggo pa papasok sa PAR.

Malaki rin ang tyansa nito na maging isang bagyo.

Ayon sa PAGASA, magiging maulap  ang papawirin sa Eastern section ng Mindanao at mataas  ang tyansa ng mga pag-ulan.

Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa iba pang panig ng bansa.

Magdadala ito ng maalinsangang panahon lalo na sa tanghali at hapon.

Ang araw ay sumikat 5:45 ng umaga at lulubog 6:10 ng gabi.

TAGS: LPA, Mindanao, Pagasa, PAR, weather update, LPA, Mindanao, Pagasa, PAR, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.