Bagyong may international name Surigae papasok na sa PAR bukas, araw ng Biyernes

By Erwin Aguilon April 15, 2021 - 08:15 AM

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility bukas, araw ng Biyernes ang Tropical Storm na may international name na Surigae.

Ayon sa 4am update ng PAGASA, huling namataan sa layong 1,140kms Silangan ng Mindanao ang bagyo.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 85kms bawat oras at pagbugso na 105 kms kada oras.

Mabagal itong kumililos patungong Kanlurang direksyon.

Sabi ng weather bureau lalapit ito sa Silangang Bahagi ng Southern Luzon at Visayas pero may posibilidad din na magbago pa ito.

Mababa naman ang tsansa na tumama sa lupa ang nasabing bagyo.

Kikilos ito patungong Hilaga-Hilagang-Kanlunran o Hilaga na mabagal o ka kaya naman ay pa Kanluran-Hilagang-Kanluran at bahagyang bibilis.

Kapag pumasok sa PAR, tatawawin itong Bising na ikalawang bagyo sa bansa ngayong taon.

Maari din ayon sa PAGASA na lumakas pa ito at maging typhoon category.

 

TAGS: BisingPH, Pagasa, PAR, Surigae, weather update, BisingPH, Pagasa, PAR, Surigae, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.