METRO MANILA, Philippines — Makalipas ang tatlong taon na pagkawala sa pulitika, tatangkain nina dating Senators Vicente “Tito” Sotto III at Panfilo “Ping” Lacson na makabalik sa mataas na kapulungan ng Kongreso sa eleksyon sa susunod na taon.
Sabay na naghain sina Sotto at Lacson ng kanilang certificate of candidacy (COC) kasabay si Sen. Lito Lapid sa Manila Hotel nitong Miyerkules.
Kapwa kasapi ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sina Sotto at Lapid at”guest candidate ng partido si Lacson, na isang independent.
BASAHIN: Ombudsman, puwedeng imbestigahan ang Pharmally – Sen. Ping Lacson
BASAHIN: Sotto: Anti-Drunk Driving Law ipatupad sa hit-and run driver
Kasama ang tatlo sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na inendorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Magka-tandem sina Lacson at Sotto noong 2022 presidential at vice presidential elections at kapwa nabigo sa UniTeam nina Pangulong Marcos Jr., at Bise Presidente Sara Duterte.
Sinabi ng dalawa na kapwa itataguyod nila ang kanilang mga naiwang adbokasiya sa pamamagitan ng lehislatura.