Ombudsman, puwedeng imbestigahan ang Pharmally – Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio June 27, 2022 - 06:24 PM

Sinabi ni outgoing Senator Panfilo Lacson na maaring imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang mga diumano’y katiwalian sa bilyun-bilyong pisong kontrata ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical.

Paglilinaw lang din ng senador, kung mag-iimbestiga ang Ombudsman, hindi ito base sa ginawang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee.

Magugunitang nagsumite ng kanyang committee report si Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa Blue Ribbon Committee, ngunit kulang ang bilang ng mga senador na pumirma kayat hindi na ito natalakay pa sa plenaryo.

“But remember, Ombudaman mat motu propio mandate to initiate investigation. So kung ifo-forward ang committee report maski hindi official, puwedeng gamitin ng Ombudsman yan to initiate a fact-finding investigation,” paliwanag ni Lacson.

Siyam lamang sa mga senador ang pumirma sa committee report ni Lacson at kinapos ito ng dalawa pang pirma.

TAGS: 18thCongress, InquirerNews, ombudsman, Pharmally, PingLacson, RadyoInquirerNews, Senate, 18thCongress, InquirerNews, ombudsman, Pharmally, PingLacson, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.