Sotto: Anti-Drunk Driving Law ipatupad sa hit-and run driver
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na dapat sundin ng pambansang-pulisya ang mga nakasaad sa Anti-Drunk and Drugged Driving Law sa kaso ng driver na sumagasa ng mall security guard.
Dagdag pa ni Sotto na ang dapat isagawa ay ang Comprehensive 5 Way test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Reaksyon ito ng senador sa pagsuko ng driver na sumagasa ng isang mall security guard noong nakaraang linggo sa Mandaluyong City.
Kahapon lamang sumuko si Jose Antonio Sanvicente sa Camp Crame kasama ang kanyang magulang.
Sinabi nito na natakot siya nang mabangga ang guwardiyang si Christian Floralde.
Matapos humingi ng kapatawaran kay Floralde, nangako ang pamilya na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapagaling ng guwardiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.