Suwerte ni ex-FL Imelda hiniling ni Imee Marcos sa filing ng COC

PHOTO: Imelda Marcos and Imee Marcos STORY: Suwerte ni ex-FL Imelda hiniling ni Imee sa pag-file ng COC
Sinamahan ni dating first lady Imelda Marcos ang kanyang anak na si Sen. Imee Marcos sa pag-file niya ng COC nitong Miyerkules, ika-2 ng Oktuber 2024. —Kuha ni John Eric Mendoza | INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Kasama ni reelectionist Sen. Imee Marcos ang kanyang nanay na si dating first lady Imelda Marcos nang maghain ng certificare of candidacy (COC) sa Manila Hotel Tent City sa Maynila nitong Miyerkules.

“Nanay ko excited. Hindi nakatulog ‘yan. Five a.m. natulog tapos seven a.m. nasa simbahan na, nakidasal. Inaasahan ko na yung suwerte at wisdom niya ay maibigay sa akin,” ani Senator Marcos.

Bago nagtungo sa Manila Hotel, dumalo sa isang Misa si Marcos sa Our Lady of Remedies Parish Church sa Malate, kasama ang ina at ang mga anak na sina Borgy at Michael.

BASAHIN: Sotto, Lacson susubukang makabalik sa Senado

Inulit ng senadora na kumalas siya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na ineendorso ni Pangulong Marcos Jr., para protektahan ang kanyang nakakabatang kapatid sa mga kritiko.

Nilinaw din niya na wala silang away o hindi pagkakaintindihan ng kapatid.

“Ang amin lang, ito ay paniwala ko na higit ako makakatulong sa kanya kapag hindi siya nalagay sa alanganin,” dagdag pa nito.

Read more...