Call center agent na akusado ng rape inaresto

PHOTO: Call center agent accused of rape
Ito yung call center agent (nakaupo na nakatalukbong) na inakusahan ng rape. —Larawan mula sa Public Information Office ng Southern Police District

METRO MANILA, Philippines — Nakalaboso ang isang call center agent dahil sa paratang na panggagahasa sa babae na nakilala niya sa isang online dating app.

Inaresto ng 1:30 a.m. nitong Biyernes si suspect, alyas German, 25, ba residente ng Parañaque City.

Sinabi ni Maj. Maynard Pascual ng Southern Police District – Special Operation Unit na nagmula kay Interior Secretary Benhur Abalos ang reklamo ng 19 anyos na babae.

BASAHIN: German vlogger huli sa ‘rape’ sa menor-de-edad sa Muntinlupa City

BASAHIN: Cebu SK official inakusahan ng 15-anyos ng rape

Sabi pa ni Pascual, nagkakilala ang suspek at babae sa isang online dating app.

Pagkatapos ng panggagahas, ilang ulit pa raw ng pinagbantaan ang suspek ang biktima na ikakalat sa social media ang mga sensitibong larawan nito kung hindi magbibigay ng malaking halaga ng pera.

Nabatid ng Radyo Inquirer na tumulong pa ang ama ng biktima sa pagbuo ng mga pulis ng entrapment operation plan.

Paunang mga kasong robbery-extortion at disobedience to persons in authority muna ang isinampa laban sa suspek.

Read more...