German vlogger huli sa ‘rape’ sa menor-de-edad sa Muntinlupa City

By Jan Escosio January 11, 2023 - 07:28 PM

RUFFY BIAZON FACEBOOK PHOTO

Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng isang German vlogger matapos arestuhin dahil sa alegasyon na hinalay niya ang isang 17-anyos na babae sa Muntinlupa City.

Bukod sa kasong rape, mahaharap din sa kasong paglabag sa RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang 29-anyos na si Marcel Messall alias ‘Mr. Pogi German.’

Nasa kanyang Facebook account ang video ng kanyang pagdampot sa isang sinabi niyang ‘pick up girl’ sa Barangay Alabang noong Enero 8.

Dinala niya ang menor de edad sa isang hotel at doon nagpatuloy ang pag-video ni Messall at doon din umano naganap ang panghahalay.

Inaresto si Messall sa kanyang bahay sa Eastwind Homes Subd., sa Montalban, Rizal.

Base sa record ng Bureau of Immigration, ‘overstaying’ na sa bansa ang banyaga.

Mariin naman tinuligsa ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang ginawa ni Messal at nais niya na maideklara itong persona non-grata sa kanilang lungsod.

Mariin itinanggi naman ng suspek na pinagsamantalahan niya ang biktima.

 

 

 

TAGS: BI, Minor, Muntinlupa City, rape, vlogger, BI, Minor, Muntinlupa City, rape, vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.