Cebu SK official inakusahan ng 15-anyos ng rape

By Jan Escosio September 15, 2023 - 05:55 PM

Paglabag sa Republic Act 11648 ang inireklamo ng isang binatilyo laban sa isang opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si lloyd Yosoya, 28, ang nagsisilbing secretary ng SK sa Barangay Apas.

Inireklamo siya ng panghahalay ng isang 15-anyos na binatilyo.

Base sa salaysay ng biktima naganap ang panghahalay sa kanya nang bisitahin niya si Yosoya sa boarding house nito sa Barangay Apas noong Hunyo.

Tumanggi ang suspek na magbigay ng pahayag ukol sa reklamo sa kanya noong Agosto 30.

TAGS: Cebu City, official, rape, sk, Cebu City, official, rape, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.