Accountant ni Guo nais lumayà muna habang walâ pang hearing

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Accountant ni Guo nais lumayà muna habang walá pang hearing
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Umapilá kay Senate President Francis Escudero ang naarestong accountant ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pakawalán muna siyá.

Ayon kay Escudero, sumulat sa kanyá si Nancy Gamo at humihiling itó na habáng walâ pang pagdiníg ay makalabás muna siyá  mula sa pagkakakulóng.

Ang isá pang hiling ni Gamo ay magtakdâ na lamang ng mas maagang pagdiníg ang Senate Comittee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

BASAHIN: Sherwin Gatchalian may online death threat dahil sa POGO probe

BASAHIN: Bagong mga kama nakahandâ sa selda para kay Guo, pamilya

Una nang naitakdâ ng komite para sa ika-29 ngHulyo ang pagpapatuloy na pagdiníg.

Sinabi ni Escudero na naipadala na niya kay Hontiveros ang apila ni Gamo.

Napipatupád na sa Bamban ang arrest order kay Gamo na pirmado ni Escudero.

Read more...