Sherwin Gatchalian may online death threat dahil sa POGO probe
METRO MANILA, Philippines — Isinumbóng ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Pasay City Police ang insidente ng mga pagbababantâ sa kanyáng buhay.
Sa kanyang sulat na may petsang ika-4 ng Hulyo kay Maj. Benjamin Mandane, CCP Complex Substation 1 commander, sinabi niyá na isa sa miyembro ng kanyang staff ang nagsabi sa kanyá ukol sa kumakalat na online video na binabantaán siyá.
Sinabi ng senador na nagdulot sa kanyá, kasama na ang pamilya at staff niya, ng labis na pagkabahalà at pag-aalalá ang pagbabantâ.
BASAHIN: Pharmally scandal, illegal POGO hub link susuriin – Hontiveros
BASAHIN: Seryoso ang pag-ugnáy kay Roque sa illegal POGO hub – Escudero
Hinilíng niyá sa kanyáng sulat na imbestigahán ng pulisya ang mga pagbabantâ at tiyakín ang kaniláng kaligtasan.
Naniniwalà si Gatchalian na ang pagbabantá ay may kaugnayan sa aktibo niyáng partisipasyón sa pag-iimbéstiga sa Senado ng mga ilegál na aktibidád na iniugnáy sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO) hub.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.