Bagong mga kama nakahandâ sa selda para kay Guo, pamilya

By Jan Escosio July 16, 2024 - 05:45 PM

PHOTO: Senate detention facility exterior STORY: Bagong mga kama nakahandâ sa selda para kay Guo, pamilya
Ang Senate detention facility —Kuha ni Charie Abarca | INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Sinigurado ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitóng Martés na ligtás siná suspended  Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, ang kanyang pamilya, at si Dennis Cunanan sa mga seldáng nakahandâ para sa kanilá sa Senado sakaling maaresto na silá.

Sinabi ni Escudero na ang mga selda ay katabí lamang ng opisina ng mga puliís na nakatalagâ para magbigáy seguridad sa Senate compound.

Ániya, ang mga selda ay may airconditioning units, may sariling banyo, at mga bagong biling kama.

MAS MARAMING LARAWAN DITO: LOOK: Senate detention facility for Alice Guo, family

BASAHIN: Alice Guo cited for contempt dahil sa pag-iwas sa Senate probe

Nilinaw ng senadór na hindí ito pagbibigáy ng special treatment dahil itó ay para sa lahát ng ipapakulong ng Senado, ordinaryo man o kilaláng indibidwál.

May direktiba si Escudero na hiwaláy ng selda ang mga lalaki at babae, ngunit sa kaso ni Guo ay maaaring makasama niya ang kanyang mga kapamilya.

Samantala, ibinahagì ni Escudero ang paraán para hindi makulóng si Guo: Itó ay kung mangangakò siyá kay Sen. Risa Hontiveros na dadaló na sa susunod na pagdinig na itinakdâ. para sa ika-20 ng Hulyo.

TAGS: Alice Guo, illegal POGO hub, Senate detention facility, Alice Guo, illegal POGO hub, Senate detention facility

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.