MANILA, Philippines — Mapaít sa panlasa ni Sen. JV Ejercito na ilipat sa unprogrammed fund ng pambansang gobyerno ang reserve fund ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sa kanyáng pahayág nitóng Miyérkules, kinatuwiran ni Ejercito, na siyáng may akdâ ng Universal Health Care Law, kailangan ay bigyán prayoridád na matupád ang mga nakasaád sa naturang batás.
“Ang pondo para sa kalusugan ay dapat gamitin para sa kalusugan,” aniya.
BASAHIN: House nababahalà sa lawak ng epekto ng PhilHealth data breach
BASAHIN: Pagsuspindi ng PhilHealth rate hike inilapit kay Marcos
Idiniín pa ng senadór na dapat ay unahin ang pagpapataás ng kalidád ng benepisyo at pagpapababà ng binabayarang kontribusyón ng mamamayán.
Nilinaw namán ni Ejercito na naiintindihán niyá na nangangailangan ng pondo ang ibáng mga programa ng gobyerno, ngunit hindî dapat galawín ang pondo ng PhilHealth sa ibang paraán.
Base sa UHC Law ang anumang labis sa pondo ng PhilHealth ay maaaring gamitin lamang sa mga programa ng ahensya.