METRO MANILA, Philippines — Kailangan ang kooperasyón ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pag-aresto kay suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, ayon sa mensahe na pinadalá sa mga reporter nitóng Lunes ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.
Iyán ang reaksyon ni Estrada sa pagkabigô ang Office of Senate Sergeant-at-Arms (OSSAA) na maiabót kay Guo at anim pang iba ang warrant of arrest na inaprubahan ni Senate President Francis Escudero.
Hindi natagpuán ng mga tauhan ng OSSAA si Guo sa mga address nito sa Bamban at Valenzuela City noong nakaraáng Sábado.
BASAHIN: Bilyong-bilyóng piso sa bank accounts ni Alice Guo mulâ sa China
BASAHIN: Alice Guo cited for contempt dahil sa pag-iwas sa Senate probe
Sa inísyuhan ng warrant of arrest, tanging si Nancy Gamo lamang ang naaresto.
Ang pag-aresto kay Gamo, na siyáng itinuturong accountant ni Guo, ay bunga ng hindi niyá pagdaló sa pagdiníg ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa kabilâ ng ipinadaláng subpoena ni Sen. Risa Hontiveros.
Sinabi pa ni Estrada na makakabuti kung kusang-loób na susuko si Guo gayundin ang kanyang tatlong kapatid at mga sinasabing kasosyo sa negosyo.