Bilyong-bilyóng piso sa bank accounts ni Alice Guo mulâ sa China
METRO MANILA, Philippines — Pinasisilip ni Sen. Sherwin Gatchalian ang maaaring responsibilidád ng mga bangko kung saan nakalagak ang bilyong-bilyong piso ni suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.
Ayon kay Gatchalian, matagál ng nakadeposito ang pera ni Guo, ngunit ngayóng taón lamang ito iniulat ng mga bangko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Sinabi pa ng senador na malakíng bahagì ng mga depósito ay mulâ sa China.
BASAHIN: Comelec magkakasá ng election cases laban kay Mayor Alice Guo
BASAHIN: Fingerprints niná Alice Guo at Guo Hua Ping magkatulad – NBI
Malakíng pagkukulang aniyá itá sa parté ng mga bangko at duda siyá na may kutsabahan na nangyari kayâ hindí agád iniulat ang mga bilyones ni Guo.
Inanunsyo na ni Gatchalian ang paghahain niya ng resolusyón hinggíl sa naturang isyu.
Samantala, naniniwalà ang senadór na waláng nagíng paglabág sa pagsasapubliko ng bank accounts ni Guo matapos ang freeze order ng Court of Appeals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.