METRO MANILA, Philippines — Ilang opisyal ng Department of Education (DepEd)ang nagpasa ng kaniláng resignation letter kay papasók na Education Secretary Sonny Angara.
Si Angara mismo ang nagpahayág nito ngayóng Lunes, ngunit hindí niyá ibinunyág kung sinu-sino ang mga nagpasa ng resigation letter.
Liniwanag namán niyá na hindi pa niyá napapag-isipan kung magtalagâ ba siyá ng mga bagóng opisyál dahil kailangan pa niyáng pag-aralan ang sistema ng kagawaran.
BASAHIN: Ayusin pagtuturò ng kasaysayan, bilin ni Marcos kay Angara
Samantala, kinumpirma niyá na sa Huwebes, ika-18 ng Hulyo,, ang turnover ng posisyón sa kanya ni Vice President Sara Duterte sa DepEd Central Office. Kinabukasan namán ang unang araw ng kanyang panunungkulan bilang bahagì ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, magkakaroón na rin siya ng pagkakataón na makaharap si Duterte upang mapag-usapan nilá ang mga programa, isyu, at proyekto ng DepEd na nangangailangan ng kanyáng agarang atensyón.
Nakaharáp mna ni Angara ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng DepEd.