Alice Guo cited for contempt dahil sa pag-iwas sa Senate probe
METRO MANILA, Philippines— Apat na mga senadór ang sumangayon nitóng Miyerkules sa mosyón na ipa-cite for contempt si suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, at pitóng iba pa dahil sa hindi pagdaló sa pagdiníg ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Una munang nagpaghayág ng kanyang pagkadismayá si Sen. Sherwin Gatchalian sa hindi pagsipot ni Guo at iba pa na napadalhan ng subpoena na humaráp sa pagdiníg ukol sa ilegál ng Philippine offshort gaming operator (POGO) hub sa Bamban .
Sa sulat ni Guo sa komité sinabi niyá na nagpatingín na siyá sa mga doktor hinggíl sa kanyáng kondisyón ngunit tumanggí ang mga itó na bigyán siyá ng medical certificate dahil ayaw daw niláng maranasan ang kahihiyáng dinaanan ng alkalde.
Ayon namán kay Sen. Risa Hontiveros, ang namumunoò sa komité, maaari namáng magpatingin sa doktór ng gobyerno, kasama na yung mga nasa medical bureau ng Senado.
Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindí katanggap-tanggáp ang pagdadahilán ni Guo kayat hinilíng na niyá na magpalabás ang Senado ng arrest warrant para sa alkalde.
Ipinaliwanag ni Hontiveros na irerekomendá niyá na isyuhan ng warrant of arrest si Guo at iba pa kapág inaprubahan itó ni Senate President Francis Escudero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.