METRO MANILA, Philippines — Huwág seryosohin at palakihín pa ang ibinigáy na dahilán ni Vice President Sara Duterte kung bakit hindi siyá dadaló sa ikatlóng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ika-22 ng Hulyo.
Itó ang reaksyón na binigáy ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitóng Biyernes sa pahayág ni Duterte.
Naniniwalà si Escudero na ginamit na lamang ng pangalawáng pangulò ang titulo ng isáng serye sa Netflix, isang video streaming service, sa kanyáng paliwanag.
BASAHIN: 22,000 pulís, security forces magbabantáy sa 3rd SONA ni Marcos
Unáng itinurò ni Duterte ang sarili bilang “designated survivor” kayat hindí na siyá magtutungò sa Kamara para pakinggán ang ikatlong Ulat sa Bayan ni Marcos.
Noóng nakaraang buwan ng Hunyo, nagbitíw si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), at ayon kay Marcos tumanggí na itó na pag-usapan pa nilá ang dahilán.