22,000 pulís, security forces magbabantáy sa 3rd SONA ni Marcos
METRO MANILA, Philippines — Aabót sa 19,850 na pulís ang magbabantáy sa ikatlóng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na ika-22 ng Hulyo.
Sinabi ni Maj. Gen. Jose Nartatez, and hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng Task Force SONA, na sa naturang bilang, 17,971 na pulís ang galing Metro Manila at ang 1,879 ay magmumulâ sa ibáng regional police offices.
Bukód pa dito, may 2,771 na security personnel mulâ sa ibáng mga ahensiya ng gobyerno ang tutulong sa pagbabantáy sa Metro Manila.
BASAHIN: Survey ratings ni Marcos steady lang, kay VP Sara bumabâ mulî
BASAHIN: $19-B na foreign investments na hakot ni Marcos nagbubunga na
“Bukod sa Security Task Force SONA 2024, ay may mga itatalaga din tayong sub-task groups na pamumunuan ng ating limáng district directors sa Metro Manila. Hindí lamang seguridad ang ating ipapakalat kundí magíng medical assistance kaakibat ang mga pampúbliko at pribadong ahensya,” sabi ni Nartatez .
Dagdág pa niyá, bahagì ng gagawín niláng paghahandâ ang pagsasagawâ ng “simulations” para masubukan ang pagiging epektibo ng kaniláng planong pang-seguridád.
Bukód sa Batasan Complex, mahigpít din ang gagawíng pagbabantáy sa Mendiola, US Embassy sa Maynila, at sa EDSA Shrine, magíng sa mga shopping malls, simbahan, transport hubs, at terminals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.