VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief

By Jan Escosio June 19, 2024 - 04:23 PM

PHOTO: Vice President Sara Duterte STORY: VP Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief
Vice President Sara Duterte —Larawan mulâ sa kanyáng Facebook page

METRO MANILA, Philippines — Nagbitíw na si Vice President Sara Duterte bilang secretary ng Department of Education (DepEd).

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), alas-2:21 ngayon hapon ng Miyerkules nang magtungo sa Malacañang si Duterte para ipaalám kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyáng pagbitíw sa posisyón.

Epektibo din sa daratiíng na ika-19 ng Hulyo ang pagbibitiw ni Duterte bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

BASAHIN: Sara Duterte pinurì ni Marcos sa birthday niyá

BASAHIN: Pangulong Marcos: Sara Duterte hindi deserve ma-impeach

Ayon pa sa PCO, tumanggî si Duterte na ibahagî ang dahilán ng kanyáng resignasyón.

Patuloy namán siyáng magsisilbí bilang bise presidente ng bansâ.

TAGS: Department of Education, NTF-ELCAC, Sara Duterte, Department of Education, NTF-ELCAC, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.