Dela Rosa nanghihinayang sa pag-veto sa PNP reform bill

PHOTO: Ronald dela Rosa STORY: Dela Rosa nanghihinayang sa pag-veto sa PNP reform bill
Sen. Ronald dela Rosa —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Labis ang panghihanayang ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkaka-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinulong niyáng Philippine National Police (PNP) Reform and Reorganization Bill.

Paniwalà ni dela Rosa, na nagíng hepe ng PNP nung administrasyón ni Rodrigo Duterte, na nag-aksayá lamang silá ng kaniláng panahón at pagod sa paggawâ ng Senate Bill No. 2449.

Bukód pa dito, napuntá sa walâ ang pagsusumikap ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM), at PNP.

BASAHIN: Communication systems, interoperability bilin ni Marcos sa PNP

Sinabi pa ng senadór na ang desisyón ni Marcos ay pagtanggí sa kinakailangang reporma sa PNP.

Tiniyák na lamang ng senadór sa PNP na patuloy niyáng susuportahan ang organisasyón na iláng taón din niyáng pinamunuan.

Read more...