P10M na pabuyà sa info para maaresto si Apollo Quiboloy – DILG

PHOTO: Apollo Quiboloy STORY: P10-M na pabuyá ipinatong sa ulo ni Apollo Quiboloy – DILG
Apollo Quiboloy (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Interior Secretary Benhur Abalos nitóng Lunes ang P10 milyong pabuyà para sa imporasyón na magreresultá sa pagka-aresto kay Apollo Quiboloy, ang pinunò ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).

Sinabi ni Abalos na isáng kaibigan ang nag-alok ng pabuyà at nais lamang nitóng makatulong sa paghahanáp kay Quiboloy.

Hindí namán pinangalanan ng kalihim ang kaibigan na nag-alók ng pabuyà.

BASAHIN: Davao PRO chief sibák matapos ng arrest operation kay Quiboloy

Nahaharáp sa mga kasong child at sex abuse ang pastór, bukód pa sa human trafficking at may magkahiwalay na warrant of arrest na inisyu ang korte sa Davao City at Pasig City.

Waláng inirekomendang piyansa para sa kaso niyáng human trafficking.

Pumayag na ang Korte Suprema na mailipat sa isang korte sa Quezon City ang kaso ni Quiboloy sa Davao City.

Pinasok na ng mg awtoridad ang KJC Compound sa Davao City, ngunit nabigô na maaresto si Quiboloy.

Read more...