Paglipat sa Metro Manila ng Quiboloy child abuse case inirekomenda sa SC
METRO MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Office of the Court Administrator (OCA) sa Korte Suprema ang pag-apruba sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na mailipat sa isang korte sa Metro Manila ang kasong sexual at child abuse na kinahaharap sa Davao City ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva na hihintayin na lamang kung aaprubahan o ibabasura ng Korte Suprema ang kanilang rekomendasyon.
May kinahaharap na rin na kasong qualified human trafficking si Quiboloy sa isang korte sa Pasig City.
Una nang inanunsiyo ng DOJ ang kahilingan na mailipat ang mga kaso sa Davao City sa isang korte naman sa Quezon City.
Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Quiboloy, na pinaniniwalaan na nananatili sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.