Binay inireklamo na si Cayetano sa Senate ethics committee

PHOTO: Pinapakita ni Sen. Nancy Binay ang kanyan reklamo kay Sen. Alan Peter Cayetano na ipinasa niya sa opisina ni Sen. Francis Tolentino, chair ng ethic committee, nitóng Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024.
Pinapakita ni Sen. Nancy Binay ang kanyan reklamo kay Sen. Alan Peter Cayetano na ipinasa niya sa opisina ni Sen. Francis Tolentino, chair ng ethic committee, nitóng Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024. —Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Personál na binitbít ni Sen. Nancy Binay sa opisina ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, ang chair ng ethics committee, ang kanyang 15 pahinang reklamo laban kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Ang reklamo ay base sa naging sagutan nilá noóng nakaraáng linggó sa pagdiníg ukol sa ginagawáng New Senate Building.

Matapos maisumité ang reklamo sa opisina ni Tolentino ay nagtungo si Binay sa opisina ni Cayetano para ipatanggáp ang kopyá ng kanyáng reklamo.

BASAHIN: Escudero, Cayetano hindi sanhí ng Senate building delay – DPWH

BASAHIN: P23-B para sa Senate building? Malî yan – Sen. Nancy Binay

Ayon sa senadora, sa kanyáng palagáy ay may mga nagíng paglabág sa ethical standards ang mga senadór at abogado.

Idiniín din ng senadora na ang kanyáng ginawâ ay para na sa kanyáng mga anák at mga pamangkín na labis na naapektuhán ng ginawáng pag-iimbestigá ni Cayetano sa kanyáng amá, si dating Vice President Jejomar Binay, at kapatid na si dating Makati City Mayor Junjun Binay mulâ 2014 hanggáng 2015.

Bukás naman ang senadora na makipag-usap kay Cayetano.

Read more...