4 na Chinese warships namataán sa Palawan, ayon sa AFP

PHOTO: Balabac Strait in Palawan map STORY: 4 na Chinese warships namataán sa Palawan, ayon sa AFP
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Apat na Chinese warships ang namataán sa Balabac Strait sa Palawan, ayon sa tagapagsalitâ ng Armed Forces of the Philippines  (AFP) na si Col. Xerxes Trinidad.

Agád naman daw siláng rumesponde at kinuwestyón ang presensiya ng mga barkong pandigma ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Pinaliwanag ni Trinandad na ang Balabac Strait ay karaniwan namán na dinadaanan ng mga international vessels.

BASAHIN: Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal

BASAHIN: AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS

Aniya, ang destroyer Luyang at frigate Jiangkai ng China People’s Liberation Army ay namataan ala-1:49 ng hapon noong nakaraang Miyerkules sa distansiyang 12 nautical miles mulâ sa  Palawan.

Makalipas ang dalawang oras, nakita naman ang destroyer Renhai at oiler Fuchi.

Sinabi ni Trinidad na ang paggawâ nila ng mga kinauukulang hakbáng ay pagtupád sa mandato ng AFP na bantayán at protektahán ang teritoryo at soberenya ng Pilipinas.

Read more...