AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS
METRO MANILA, Philippines — Gagawâ na ng mga hakbáng ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa ipapatupád na “no trespassing” policy ng China sa iláng bahagì ng West Philippine Sea (WPS) simulâ sa darating na Sabado, ika-15 ng Hunyo.
Paiigtingín na nitó ang pagpapatrulya sa lugar katuwang ang mga kaalyadong bansâ sa rehiyon, ayon sa pahayág nitóng Miyerkulés ni Commo. Roy Vincent Trinidad, ang tagapagsalitâ ng Philippine Navy ukol sa West Philippine Sea.
Aniya nababahalà din ang ibáng bansâ sa magiging resulta ng bagong polisiya ng China.
BASAHIN: Koalisyón kinondená WPS fishing ban sa China Consular Office
BASAHIN: Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban
Dagdág pa niyá, may ugnayan at koordinasyón na ang Navy sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para matiyák na patuloy na makakapangisdâ sa rehiyón ang mga Filipino.
Sabi pa ni Trinidad na walá namán mangyayaring masamâ at ang kaniláng ginagawáng hakbáng ay para makaiwas nga sa hindí kanais-nais na sitwasyón.
Una nang binigyáng kapangyarihan ng China ang kanyáng coast guard na hulihin ang sino mang banyagà na papasok sa itinalagâ niláng “no trespassing zone” sa WPS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.