Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal

By Jan Escosio June 17, 2024 - 11:00 AM

PHOTO: China Coast Guard ship STORY: Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal
Sa larawan na itó. na kinuha noóng ikaw 16-Pebrero 2024, makikita ang isáng rigid hull inflatable boat na papaalís sa isáng barko ng China Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal. —Kuha ni Ted Aljibe, Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Inanunsyo ng China Coast Guard (CCG) ang bangaan ng isá sa mga barkó nitó at isang barkó ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ngayon Lunes.

Sinisi ng CCG ang Pilipinas sa nangyaring insidente.

Ayon sa pahayag ng CCG, ang resupply ship ang lumapit sa kaniláng barkó at gumawá lamang itó ng mga hakbang alinsunod sa kaniláng polisiya.

BASAHIN: Military drill ng China Navy sa loób ng PH EEZ susuriín ng DFA

BASAHIN: AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS

Walâ pang kumpirmasyon o pahayag ang Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, at National Task Force on the West Philippine Sea kaugnay sa anunsiyo ng China.

Nangyari ang insidente, dalawang araw matapos maging epektibo ang “no trespassing policy” ng China sa inaangkin nilang bahagi ng West Philippine Sea.

TAGS: PH-China relations, West Philippine Sea, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.