Magtuloy-tulóy sana ang mga reporma sa DepEd – Gatchalian

PHOTO:  Sen. Sherwin Gatchalian
2021 June 4 – Sen. Sherwin Gatchalian —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Sa kabilâ ng pagbitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), umaasa pa rin si Sen. Sherwin Gatchalian na magtuloy-tulóy ang mga nasimulaáng mga programa at reporma sa kagawarán.

Ayon kay Gatchalian, bilang namumuno sa Senate Committee on Basic Education, malapit ang pakikipag-ugnayan niyá kay Duterte at sa maraming opisyál ng DepEd.

Aniya, maraming pagbabago na ang nasimulán, lalo na sa pagpapabuti ng kalidád ng edukasyón sa bansâ at ang mga itó ang inaasahan niyáng magpapatuloy kahit ibá na ang namumunò sa kagawarán.

BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief

BASAHIN: DepEd naghahanda para sa pinaigsing school year 2024-25

Umaasa na rin si Gatchalian na hindí maaalis sa posisyón ang mga kasalukuyang undersecretaries dahil silá ang nangunguna at sumusubaybáy sa pagkasá ng mga programa.

Inamin rin ng senadór na may mga naiisip na siyáng mga tao na maaaring pumalít kay Duterte ngunit kikilatisin pa niyá ng hustó ang mga itó.

Samantala, nagpahayág ng suporta kay Duterte sina Sens. Ronlad dela Rosa at Christopher Go.

Sa magkahiwaláy na pahayág, sinabi nilá na labis na niláng kilalá si Duterte at anila hindi matatawaran ang dedikasyón nitó sa trabaho at pagmamahál sa bansâ at kapwà Filipino.

Read more...