DepEd naghahanda para sa pinaigsing school year 2024-25
METRO MANILA, Philippines —Kumilos na ang Department of Education (DepEd) para maiwasan ang “learning loss” dahil sa pinaigsing school year 2024-25.
Kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Marcos Jr., na maibalik sa buwan ng Hunyo ang pagsisimula ng mga klase sa susunod na taon o sa school year 2025-26.
Sinabi ni Education Assistant Secretary Francis Bringas na kabilang sa rekomendasyon ng DepEd kay Marcos ang pagbabawas sa 165 ang bilang ng mga araw ng klase.
BASAHIN: DepEd inanunsiyo ang mas maagang bakasyon sa eskuwelahan
BASAHIN: Marcos umaasang maibalik ang dating school calendar sa 2025
Paliwanag ni Bringas kailangan matiyak na sa kabila ng mas maigsing panahon ng klase, hindi maaapektuhan ang kalidad ng edukasyon.
Sa panukala ng DepEd, magtatapos na ang kasaluyang klase sa ika-31 ng Mayo at ang pagbubukas ng SY 2024-2025 ay sa ika-29 ng Hulyo 2024 at magtatapos naman sa ika-31 ng Mars0 2025.
“Kung ibaba natin iyong number of school days natin, kailangan nating tustusan iyan ng mga makabago at makabuluhang hakbangin,” ani Bringas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.