P387-M inilabás ng DBM pambilí ng DOH emergency vehicles

PHOTO: DOH head office with DOH logo superimposed STORY: P387-M inilabás ng DBM pambilí ng DOH emergency vehicles
—INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inaprubahán ng Department of Budget and Management (DBM) ang hilíng ng Department of Health (DOH) na makabili ng 141 medical vehicles.

Sa pahayág ng DBM nitóng Miyerkules, inaprubahan noong nakaraang linggo ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Authority to Purchase Motor Vehicles (APMV) na nagkakahalaga ng P387 million noong ika-11 ng Hunyo.

Kabilang sa mga bibilhín ay mga ambulansya, sea ambulances, at patient transport vehicles.

BASAHIN: Performance bonus ng gov‘t workers ibibigáy – DBM

BASAHIN: DBM inaprubahán pagtanggáp ng 5,000 teacher aides ng DepEd

Ang pagbilí ng mga sasakyán ay bahagi Health Facilities Enhancement Program (HFEP), na layuning mapabilís ang pagbibigáy ng serbisyong pangkalusugan hanggáng sa mga kanayunan.

Sinabi ni Pangandaman na ang HFEP ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagbigáy ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa lahát, lalo na sa mga mahihirap.

Read more...