May dagdág na tubig para sa Metro Manila mulá sa Angat Dam

PHOTO: Angat Dam STORY: May dagdág na tubig para sa Metro Manila mula Angat Dam
Angat Dam (INQUIRER FILE PHOTO)

METRO MANILA, Philippines — Inaprubahán ng National Water Resources Board (NWBR) na itaas ang alokasyón ng tubig para sa Metro Manilasa mulâ 51 cubic meters per second hanggáng  52 cubic meters per second.

Ang NWRB ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kasunód itó ng hilíng ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Maynilad at Manila Water na igsián ang oras na pinuputol ang daloy ng tubig sa kaniláng mga kostumer.

BASAHIN: Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito

BASAHIN: Tubig sa Angat Dam pinataás ng Typhoon Aghon

Sinabi ni Environment Undersecretary Primo David nitóng Biyernes  na ang karagdagang alokasyón ay magmumulâ sa Angat Dam at ipapatupad lamang sa darating na araw ng Linggó, ika-16 ng Hunyo 16, hanggáng Miyerkulés, ika-31 ng Hunyo.

Ipinaliwanag pa niyá ang karagdagang 1 cubic meters per second ay kukunin sa alokasyón ng tubig sa National Irrigation Administration (NIA) dahil natapos na namán ang anihán.

“Itó namán ay dahil maulán na at hindí kailangan ng irrigation dahil inuulán na ang ating mga taniman sa ngayón,” sabi pa ng opisyal.

Dahil sa “stand-by allocation” sa Metro Manila, pansamantaláng magiging 5 cubic meters per second ang alokasyón para sa NIA.

Read more...