Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito
METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kumilos para makahanap ng bagong mapapagkuhanan ng tubig ang Metro Manila.
Nagpahayag si Ejercito ng kanyang pagkabahala si Ejercito sa madalas na kakapusan ng tubig sa Metro Manila nitong Miyerkules sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ukol sa panukalang pagbuo ng Department of Water Resources.
Tinanong niya ang MWSS tungkol sa Laiban Dam sa Tanay, Rizal, na aniya ay noong pang 1979 sinimulan pero hanggan ngayon ay hindi pa napapakinabangan kung kailan dumoble na ang populasyon ng Metro Manila.
BASAHIN: MWSS iimbestigahan bahay na biglang tataas ang gamit ng tubig
BASAHIN: Wala pang balak magrasyon ng tubig ang DENR
“Ang Angat Dam pa din ang main source ng ng tubig ng Metro Manila. Kailan magiging operational ang Laiban Dam?” tanong ni Ejercito sa MWSS.
Sa 2027 daw mapupunan ng tubig ang Metro Manila mula sa Laiban at Kaliwa Dams, ang sagot ni MWSS Administrator Leonor Cleofas.
Tinalakay din sa pagdinig ang panukalang pagbuo sa Water Regulatory Commission (WRC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.