METRO MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga gagawíng hakbáng kaugnáy sa napaulat na military drill ng China People’s Liberation Army (PLA) Navy sa loób ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ito ang sinabí ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kahapóng Huwebes matapós makipagpulong kay Hungarian Foreign Minister Péter Szijjárto.
Ayon kay Manalo, aalamín muna ng DFA ang mga detalye at pakay ng military exercise.
BASAHIN: AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS
BASAHIN: Philippine Navy nakabantay sa China drills malapit sa Taiwan
Unang ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang obserbasyón na dumami ang namataán na Chinese military vessels at ang tila pagsasagawâ ng “naval drill” sa Sabina Shoal noong ika-2 hanggang ika-4 ng Hunyo.
Samantala, sinabi ni Manalo na sa pag-uusáp nilá ni Szijjárto kabilang sa natalakay ang sitwasyón sa South China Sea.
Aniya nagkasundô silá na ang anumáng gagawing hakbáng ay dapat nakabase sa mga pandaigdigang-batás, partikular na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).