Tubig sa Angat Dam pinataás ng Typhoon Aghon

By Jan Escosio May 27, 2024 - 03:15 PM

PHOTO: Angat Dam STORY: Tubig sa Angat Dam pinataás ng Typhoon Aghon
Angat Dam (INQUIRER FILE PHOTO)

METRO MANILA, Philippines — Bunga ng mga pag-ulán na dulot ng Typhoon Aghon, tumaás ng isang metro ang antás ng tubig sa Angat Dam, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Nitóng Lunes ng umaga, ang water level daw ng dam ay 179.79 m, mas mataás kaysa 178.86 m na naitalâ kahapon.

Sa kabilâ nito, kapás pa ito ng 30 m para maabot ang normal level na 212 m at kapos ng 21 cm para sa minimum operating level na 180 m.

BASAHIN: Tubig ng Angat Dam bagsák na sa minimum operating level

BASAHIN: Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito

Una nang ipinaliwanág ng Pagasa na kadalasan sa kasagsagán ng habagat ay umaangát ang antás ng tubig sa Angat Dam hanggang sa pagpasok naman ng amihan sa hulíng bahagi ng taón.

Ayono sa Pagasa, tumaás din ang antás ng tubig sa Ipo Dam, La Mesa Dam, Binga Dam, Pantabangan Dam, at Caliraya Dam.

Ngunit bahagyáng bumaba ang antas ng tubig sa Ambuklao Dam, San Roque Dam, at Magat Dam

TAGS: Angat Dam, Metro Manila water supply, Angat Dam, Metro Manila water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.