KaSAMa Movement inilunsád ni Party-list Rep. Sam Verzosa

PHOTO: Rep. Sam Versoza at launching of KaSAMa Movement STORY: KaSAMa Movement inilunsád ni Party-list Rep. Sam Verzosa
Nilunsád ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam Versoza (nasa gitnâ, gawíng kanan) ang kanyáng KaSAMa Movement nitóng Miyerkulés, ika-12 ng Hunyo 29024, sa Sampaloc, Maynila. — Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Pormál na inilunsád ngayóng Araw ng Kalayaan ang Kasangga ng Sampaloc — o KaSAMa — Movement ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam Verzosa.

Matapos ang isáng Misa sa Holy Trinity Church sa Sampaloc, Maynila, inanunsiyo ni Verzosa na sa medical mission mag-uumpisá ang mga aktibidád ng KaSAMa Movement.

Inanunsiyo din niyá ang pagbibigáy ng libreng serbisyo ng kanyáng tatlóng mobile clinics, kung saan iaalók ang x-ray, ECG, at laboratory services.

BASAHIIN: Ex-partylist solon tiwala na mapapaboran ng SC

BASAHIN: Pagkilala sa mga Filipina ngayon Women’s Month iginiit ng lady partylist solon

Namahagî din siyá ng mga wheelchai sa mga senior citizen at may kapansanan, bukód pa sa mga gamót para sa ibat-ibáng karamdaman.

Bukód ditó, may 17 na service van na aniya ay iikot sa buóng distrito ng Sampaloc upang magbigáy tulong.

Ipinaliwanag niyá na nais lamang niyáng ipamahagí sa mga kapwa niy´ng taga-Sampaloc ang mga natatanggáp na biyayà sa pamamagitan ng pagtulóng sa kaniláng mga pangangailangán, lalo na sa kalusugan at edukasyón.

Nilinaw din ni Verzosa na ang kanyaáng pagbibigáy serbisyo ay naihatíd na rin niyá sa ibat-ibáng mga lugár sa bansa — sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read more...