Ex-partylist solon tiwala na mapapaboran ng SC

By Jan Escosio March 12, 2024 - 07:54 PM

Nanalig na mapapaboran ng Korte Suprema si dating Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat. (FILE PHOTO)

Kumpiyansa si dating Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa magiging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kanyang apila.

Tiwala si Cabatbat na siya ang kikilalaning lehitimong kinatawan ng naturang partylist.

“Malaki ang respeto at pagkilala natin sa galing at kakayanan ng ating hukuman. Tiwala tayong mananaig ang tama para sa magsasakang Pilipino,” aniya.

Magugunita na noong 2022 ipinatigil ng Korte Suprema ang pag-proklama ng Commission on Elections (Comelec) sa kinatawan ng partylist.

Ayon kay Cabatbat kinilala ang hakbang na ito ng mga magsasaka na pagbibigay proteksyon sa kanilang mga boto.

“Minsan nang nagdesisyon ang Korte para sa ating panig, at naniniwala ako na kikilalanin tayo bilang tunay na kinatawan ng magsasakang Pilipino. Wala tayong sinayang na oras, dahil bawat araw, ipinaglalaban natin ang kaunlaran at karapat ng mga magsasaka,” aniya.

Pinasalamatan na rin nito ang kanyang mga tagasuporta sabay pangako na patuloy siyang maglilingkod sa sektor ng agrikultura at isusulong sa Kamara ang kapakanan ng mga magsasaka.

 

TAGS: partylist, Supreme Court, partylist, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.