Pagkilala sa mga Filipina ngayon Women’s Month iginiit ng lady partylist solon
Sa paggunita ng Women’s Month ngayon buwan ng Marson, tiniyak ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na patuloy niyang isusulong ang karapatan ng mga kababaihan.
“As we embark on Women’s Month, let us renew our collective commitment to the pursuit of gender equality and the empowerment of women. Together, let us endeavor to cultivate a society where every woman and girl can thrive and contribute meaningfully to the advancement and prosperity of our nation,” pahayag ng kinatawan sa Kamara ng Bagong Henerasyon Party-list.
Noong 1988 sinimulan ang paggunita sa bansa ng Women’s Month tuwing buwan ng Marso at ayon kay Herrera naging daan ito para bigyang pagkilala ang natatanging kontribusyon ng mga Filipina sa lipunan.
Ayon sa mambabatas napakahalaga ng buwan dahil nagkakaroon ng oportunidad na maisulong ang mga karapatan ng mga kababaihan.
“It is a time to reflect on the progress achieved in promoting women’s empowerment and to address the challenges that still persist,” she stressed. Herrera strongly believes that “empowering women is not just a matter of fairness, but also a key driver of social and economic development,” dagdag pa ni Herrera.
Si Herrera ang pangunahing may-akda at nagsulong ng 105-Day Expanded Maternitu Leave Act at naging aktibo din siya sa mga diskusyon na nagbabawal ng “child marriage” sa bansa.
“Let us seize this opportunity to reflect on the achievements and challenges faced by women, and let us work together to build a more inclusive and equitable society,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.