METRO MANILA, Philippines — Inaresto ang dalawáng pulís-Caloocan City ng kanilang mga kabaro sa Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pinaniwalaang kaso ng “hulidáp” — isang salitáng hango sa “huli” at “kidnap.”
Ayon sa ulat, nasa barangay hall ng Barangay Balon Bato siná QCPD Homicide Section chief Capt. Reynandy Tagle at iláng tauhan ng Talipapa Police Station para rebyuhín ang CCTV footage para sa isáng kaso nang magkaroón ng komosyón.
Nakita nilá na hinahabol ang isáng lalaki, na nakilalang si Gerald Andrade, niná Staff Sgt. Russell Ortega, Cpl. Joel Taboga, at Robin Caidic.
BASAHIN: Pulis itinuro sa pagpatay sa Leyte barangay chairman
BASAHIN: Pulis na nakapatay kay Jemboy Salazar guilty sa homicide
Nang sitahín, ikinatuwiran niná Ortega na drug suspect si Andrade, ngunit waláng maipakitang dokumento ukol sa kaniláng operasyón.
Ayon naman kay Andrade, inagaw sa kanyá ang kanyáng motorsiklo at tinangáy ang kanyáng wallet na naglalamáqn ng P16,000.
Tumakbo na lamang siyá ng makakuha ng tiyempo at napadaán sa barangay hall, kung nasaán namán sina Tagle.
Limáng pulís-Caloocan pa ang itinurò niná Ortega at Taboga na kaniláng kasabwát.