METRO MANILA, Philippines — Kinalampág ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang Consular Office ng China sa Makati City nitóng Martés, ika-4 ng Hunyo para kondenahin ang pagpapatupad ng China ng fishing ban sa isáng bahagi ng West Philippine Sea sa kabilâ na malinaw itóng nasa loób ng teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni RJ Villena, ang tagapagsalita ng ABKD, na hindi na makatao ang mga ginagawâ ng China dahil lubós na maaapektuhán ang kabuhayan ng mga mangingisdang Filipino kung silá ay pagbabawalan na mangisdâ sa West Philippine Sea, lalo na sa Scarborough Shoal at Panatag Shoal.
Dagdág pa niyá, ang pagbabawal sa pangingisdâ ay magpapaningas pa ng hustó sa tensiyon ng sitwasyón sa WPS.
BAHAGI: Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban
Aniy, hindí papansinín ng mga mangingisdang Filipino ang utos ng China at nangangambâ siyá para sa kaligtasan ng mga kababayan niyá.
Sa hulíng bahagì ng kaniláng ng kilos-protesta, pinunit ng mga miyembro ng koalisyón ang kopya ng kautusán ng China para ipakitá ang kaniláng mariíng pagtutol dito.