Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban
METRO MANILA, Philippines — Nagpapatuloy ang pagpapatrulya ng Philippine Navy at Philippine Air Force sa West Philippine Sea (WPS) kahit pa nagdeklará ng fishing ban ang China sa rehiyón.
Ito ang tiniyák ng AFP spokesperson na si Col. France Padilla dahil aniya ang pagpapatrulya ay regular ng aktibidád ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi pa nitó na ang pagpapatrulya ng Navy at Air Forces sa WPS ay may koordinasyon sa Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
BASAHIN: Philippine Navy nakabantay sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS
BASAHIN: 73% ng Pinoy gusto ng aksyon ng militar sa WPS issue
Sabi pa niyá ang kanilang ang ginagawâ nilá ay alinsunod sa Saligang Batas at sa prinsipyo ng pambansáng soberaniya.
Unang nagdeklará ng fishing ban ang China sa WPS na nagsimulâ noong ika-1 ng Mayo at iiral hanggáng sa ika-16 ng Setyembre. Sakop nitó ang Scarborough Shoal, na dinadayo ng mga mangingisdáng Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.