West Philippine Sea nahagíp ng fishing ban ng China sa SCS
METRO MANILA, Philippines — Nagpatupád ng apat na buwán na fishing ban ang China sa South China Sea kasama ang iláng bahagì ng West Philippine Sea (WPS), ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang pagbabawal sa pangingisdâ ay epektibo na at magtatapos sa ika-16 ng Setyembre.
Binatikos ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa katuwiran na kontra ito sa napagkasunduán nina Pangulong Marcos Jr., at Chinese President Xi Jinping nang magkausap ang dalawá noong nakaraáng taón.
Giniít din ng DFA na paglabag ang pagpapatupád ng fishing ban sa 2016 ruling ng Permanent Cour of Arbiration na siya ring pumabór sa Pilipinas kaugnay sa pakikipag-agawán nitó at ng China ng ng teritoryo.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na nagpadala na ang DFA ng diplomatic note sa China para ipaalám na sinakop ng fishing ban ang malinaw na teritoryo ng Pilipinas.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos., nakapaghaín na ang Pilipinas ng 158 na mga diplomatic protest sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.