METRO MANILA, Philippines — Nagkakaroón pa ng mga pag-uusap sa hanay ng mga opisyál at miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ukol sa planong iluklók si Sen. Robinhood Padilla bilang pangulò ng partido.
Si Padilla ang nagbahagì nitóng Martes sa isáng press conference.
“Magandáng posisyón yung ibinibigáy nilá. Salamat sa pagtitiwalà. Salamat kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa lahát pô ng bumubuô ng PDP. Pero siyempre itó pô ay nasa loób pa rin ng pag-uusap hanggáng ngayón,” aniya.
BASAHIN: Robin Padilla sumukò sa trabaho sa PDP-Laban, nag-resign
BASAHIN: Sen. Robin Padilla nais mabago ang termino ng presidente at bise presidente ng bansa
Sinabi ng senadór na may mga isyu siyá na nais niyáng malaman — kung anó ang posisyón ng kanyáng partido, gayundín kung anó namán ang inaasahan sa kanyá ng PDP.
Nilinaw din niyá na hindí niyá hiningî ang posisyón.
Idiniín niyá na kung sa kanyáng palagaáy ay makakabuti siyá sa partido at mas makakapagsilbí siyá sa mga kapwà Filipino tatanggapiín niyaá ang alók sa kanyá.