Revilla: AI gagamitin lang panglathalà ng fake news sa eleksyón

PHOTO: Stock image FAKE NEWS stamped over laptop screen STORY: Revilla: AI gagamitin lang panglathalà ng fake news sa eleksyón
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Sinuportahán ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang panukalà ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal sa kampanyá para sa eleksyon sa 2025 ang paggamit ng artificial intelligence (AI).

Kasabáy nitó, hinilíng naman ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Comelec na maglatag itó ng mga partikular na polisiya sa binabalak nitóng na AI ban sa election campaign.

Sinabi nitó na dapat ay agád nang kumilos ang Comelec dahil napakabilís magbago ang mga maaaring paggamitan ng AI.

BASAHIN: Higit 1M nagparehistro para makaboto sa 2025 polls – Comelec

BASAHIN: Smartmatic pumuntos vs Comelec sa Supreme Court

Samantala, sinabi ni Revilla na naniniwalà siyá na gagamitin lang ang AI sa pagpapakalat ng mga malíng impormasyón at sa pagsusulong ng mga pansariling interés.

Idiniín niyá na waláng puwang sa demokratikong proseso, tulad ng eleksyón, ang mga kasinungalingan.

Aniya ibá pa rin ang pangangampanyá ng mga kandidato dahil sa paraán na itó ay mas nakikilala at nakikilatis silá ng mga botante.

Read more...